Maaliwalas ang mukha, masaya at syempre gwapo ng makita ko siya sa loob ng ICU. Same exact place kung san siya binawian ng buhay suot ang parehas na damit nung huli ko siyang makita. May kasama siyang nurse na babae sa loob na nag-aalaga sa kanya. Tumatawa at kumakanta habang palakad-lakad sa loob ng room. Walang pinto pero may maliit na butas na kasya ang aking kamay.
Lumapit ako at tinawag cya "Matt! Na-aalala mo pa ba ako?" tumigil cya sa pagkanta..
lumapit at sabay ngiti "Oo naman, Ikaw si Chris dba, yung bestfriend ko.. makakalimutan ba kita?" ika nya..
hinawakan ang aking kamay sa maliit butas at ngumisi.. Iyak lang ako ng iyak dahil alam ko na kahit sa panaginip wala na siya in reality..
Umiiyak ako pag-gising, pagod at uhaw na uhaw.. Naalala ko 2 weeks ago.. sabi ko sa sarili ko namimiss ko sya at kung na-aalala pa ba niya ako..
Thank you for letting me know that you are still around.. but I miss you more, Bes..

0 comments:
Post a Comment